SINISURADO ng manager ni Judy Ann Santos na si Tito Alfie Lorenzo na walang project na pagsasamahan ang alaga niya at si Claudine Barretto.

Judy Ann SantosTaliwas ito sa mga balitang naglalabasan na may movie project ang dalawang aktres na dating miyembro ng Gimik kasama sina John Lloyd Cruz, Mylene Dizon, G Toengi, Diether Ocampo, Bojo Molina, Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Patrick Garcia, Rica Peralejo, Carlos Agassi, Anna Laruccea, Julia Clarete, Desiree del Valle, Cheska Garcia, Baron Geisler, Dominic Ochoa, Kaye Abad, Rico Yan at Kristine Hermosa noong 1996-1999

“Saan ba nagmula ‘yun?” bungad ni Tito Alfie sa amin. “Wala naman kaming alam d’yan. Baka may offer na hindi ko alam. Wala naman sinasabi sa akin si Malou (Santos).”

Sabi namin kay Tito Alfie, kung walang offer, bakit may nasabi si Juday na okay sa kanya ang muli nilang pagsasama ni Claudine?

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

“Aba, malay ko, basta ako walang alam,” mabilis na sagot ng manager ng aktres.

Hindi lang din naman si Tito Alfie ang nagtataka kundi maging ang mga taga-Star Cinema, dahil sa pagkakaalam nila ay wala silang offer kay Claudine.

Hanggang sa may nagsabi sa amin na sa Viva Films pala may offer sina Judy Ann at Claudine.

Natawa kami sa reaksiyon ni Tito Alfie, “Kung sa Viva, Sharon (Cuneta), Juday at Sarah (Geronimo), Magkakapatid. ‘Di ako papayag kasama si Claudine.”

At kung sa Star Cinema, “Juday-Coco (Martin), puwede.”

Hayan klarung-klaro na walang project sina Budaday at Klau-Klau.