LONDON (Reuters)– Ang paghahari ng Switzerland bilang kampeon sa Davis Cup ay maagang natapos nang pagbayaran nila ang pagpapadala ng isang second-string team at matalo sa 2-3 kontra Belgium sa unang round sa Liege kahapon.

Tatlong buwan lamang mula nang igiya nina Roger Federer at Stan Wawrinka ang koponan sa makasaysayang titulo sa Lille, naging iba ang kuwento sa pagkawala ng kanilang big two at ang Swiss ang naging unang kampeon sa loob ng 10 taon na nalaglag sa unang hurdle.

Pinili nina Federer at Wawrinka na huwag maglaro matapos makuha ang kanilang ambisyon at ang mga stand-in ay hindi nagawang makakuha ng upset laban sa higher-ranked players sa kabila ng pagpupursigi ng 22-anyos na si Henri Laaksonen.

Ang world number 344, na dating naglaro para sa Finland, ay itinabla ang kanilang tie sa 2-2 nang makuha ang 6-3, 3-6, 3-6, 7-6 (5) na panalo laban kay Steve Darcis, ang player na mas mataas ang ranking na 242 puwesto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ikalawang pagkakataon sa loob ng tatlong araw, muling nagpakitang gilas si Laaksonen upang manaig sa isang five-setter.

Ngunit agad kumulimlim ang pag-asa ng Switzerland sa deciding rubber match nang si Davif Goffin, ang world number 21 na pinagpahinga noong Biyernes dahil sa alalahanin sa kanyang back injury, ay hindi nagawang malampasan ni number 321 Adrien Bossel at nakuha ang 6-4, 6-0, 6-4 panalo.