SPANISH FORK, Utah (AP) – Isang sanggol ang nakaligtas sa aksidente ng sasakyan sa nagyeyelong ilog sa Utah makaraang pabaligtad na ma-strap sa car seat sa loob ng 14 na oras hanggang sa matagpuan ng isang mangingisda, ayon sa mga opisyal.

Stable na ang kondisyon ng 18-buwang babae na nasa Salt Lake City hospital ngayon, pero patay na nang matagpuan sa loob ng sasakyan ang kanyang 25-anyos na ina na si Lynn Groesbeck ng Springville, ayon sa pulisya.

Sumalpok ang kotse ng mag-ina sa kongkretong harang ng tulay at bumulusok sa ilog, ayon sa mga imbestigador.
Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25