Nate robinson

LOS ANGELES (AP)– Pinapirma ng Los Angeles Clippers ang free agent guard na si Nate Robinson sa isang 10-day contract.

Siya ay huling naglaro para sa Denver kung saan ay nag-average siya ng 5.8 puntos, 2.3 assists at 1.2 rebounds sa 33 laro ngayong season.

Tinulungan ni Robinson ang Celtics na makaabot sa 2010 NBA Finals, at ang deal na inanunsiyo kamakalawa ay muli silang pagsasamahin ni Doc Rivers, na kanyang naging coach sa Boston.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Ang 30-anyos na guwardiya ay nag-average ng 11.1 puntos, 3.0 assists at 2.4 rebounds sa kanyang 10-year NBA career sa New York, Boston, Oklahoma City, Golden State, Chicago, at Nuggets.