Ipiprisinta ng mga papaangat at mas batang memory at mental athletes, sa pangunguna ni Roberto Racasa, coach at founder ng Philippine Memory Sports katulong ang Hotel Sogo group of companies, ang Pilipinas sa paglahok sa 1st Singapore Open Memory Championships.

“This is to further hone their talents and skills after winning medals in the Avesco Philippine International Open Memory Championship last year,” sinabi ni Racasa na siya ring presidente ng Pinoy Memory Athletes Association Inc.

Sasabak sa unang pagkakataon sina Marie Ann Andrade Yambalia, Richard Sarcos, Joel Micus Lolong, Dorothy Elenzano, Philip Benitez at Nico Angelo Esperanza sa labas ng bansa.

Sinabi ni Racasa na aakuin ng Hotel Sogo ang registration fees, plane ticket at hotel accommodations ng delegasyon sa Singapore.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Nagbigay din si Marikina City Mayor Del de Guzman at ang City Council ng tulong pinansiyal bilang suporta sa koponan.

“This tournament will be very challenging since 52 of the world’s finest memory athletes are also competing including Simon Reinhard, the world’s number two ranked player from Germany,” giit ni Racasa, na tumulong na makilala ang Pilipinas sa world map ng memory sports matapos na ito at si Johann Abrina ay unang sumali sa ginanap na World Memory Championships sa London noong 2010.

Sasabak din sa torneo ang memory athletes ng Mongolia, China, Japan, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Indian at host Singapore.

Ang torneo ay may basbas ng World Memory Sports Council. Ang torneo ay binubuo ng 10 memory disciplines kung saan ang mga kalahok ay kailangang magpakita ng kanilang abilidad para mamemorya ang numbers, words, dates, abstract images, cards, spoken numbers, names at faces.