Hiniling ng Board of Inquiry, na nag-iimbestiga sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, ang tatlong araw na palugit sa pagsusumite ng resulta ng pagsisiyasat sa liderato ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa brutal na pagpatay ng 44 police commando.

Sinabi ni BoI Chairman Director Benjamin Magalong na ipinarating na niya sa kaalaman ni PNP Officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina ang kanilang hiling sa palugit sa pagpapalabas ng investigation result na unang itinakdang ilabas sa publiko kahapon.

“We cannot sacrifice the quality of our report,” paliwanag ni Magalong. “Alam namin there will be a lot of speculations and insinuations with this extension pero kami na po nagbibigay ng assurance na huwag lang ma-sacrifice ang quality.”

Natakda sanang isumite ng Operational Audit Team (OAT) ang ulat nito noong Pebrero 27 subalit natapos lamang nila ang dokumento noong Marso 6.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Bukod kay Espina, isusumite rin ang isang kopya ng Mamasapano findings kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na siyang magbibigay ng dokumento kay Pangulong Aquino.

“We will not sacrifice our credibility and integrity. Kapag ito winalanghiya namin ang investigation, the credibility of the PNP is at stake here,” giit ni Magalong. - Czarina Nicole O. Ong