SANA ay hindi true ang kumakalat na balitang posibleng mademanda ng estafa ang isang kilalang personalidad na nagbayad ng talbog na tseke sa mga pinagkakautangan niya.

Tsika sa amin ng mga taong nakakaalam sa issue, kasalukuyang kinokontak ang kilalang personalidad, “Nakiusap kasi si _____ (kilalang personalidad) na tseke na lang ang ibabayad muna niya sa resort na pinagbakasyunan nila ng dyowa niya at ‘yung catering na ginamit panghanda sa event nila kasama ang buong pamilya at mga kaibigan.

“Pumayag naman ‘yung caterer since kakilala naman nila at kilala rin naman siya kaya hindi naman nag-isip na babayaran ito ng tsekeng walang pondo.

  

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Nu’ng ‘dineposit na, walang pondo at talbog, kinontak, sabi ire-deposit kasi na-overlook lang. So ginagawa naman, after three days, waley talaga, ‘tapos nang kinokontak na, wala na, hindi na ma-reach ang contact number.”

Habang sinusulat ay wala pa ring update sa kilalang personalidad at sa atraso niya sa mga taong hiningan niya ng tulong.