Habang hindi nagtatapat si Pangulong Noynoy Aquino at nangungumpisal sa taumbayan tungkol sa tunay na pangyayari sa Mamasapano encounter, hindi magkakaroon ng closure ang isyung ito. Araw-araw ay parang daliring nakasurot sa mga mata ng Pangulo at ng kanyang Best Friend Forever (BFF) na si ex-PNP Chief Director General Alan Purisima ang matinding paninisi mula sa mga pamilya ng 44 SAF operative na biglang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pumalpak na operasyon bunsod ng kawalan ng koordinasyon at reinforcement sa militar.

Nanunuot sa kamalayan ng mga Pilipino ang madamdaming pakiusap ng batang-batang biyuda ni Senior Inspector Ryan Pabalinas, si Erica sa misang idinaos sa Immaculate Heart of Mary Parish, Quezon City noong Linggo. “Muli, Ginoong Pangulo, nakikiusap po kami na matamo ang hustisya at malaman ang katotohanan.” Ang okasyon ay ika-44 araw ng pagkakapaslang sa 44 PNP-SAF na hanggang ngayon ay nababalutan ng pagtuturuan at pagsisisihan.

Hindi naniniwala ang taumbayan na basta maglulunsad ng sensitibong operasyon si ex-SAF commander Director Getulio Napeñas kung walang basbas ito ng nakatataas sa kanya. Inamin niyang ang nasa likod nito ay si suspendidong PC chief Purisima. Eh, bakit naman pinayagan ng Pangulo na hayaan ang suspendidong hepe sa na mamahala laban sa high-value targets na sina Marwan at Usman, at iniwan sa kangkungan sina DILG Sec. Mar Roxas at PNP OIC Deputy Director Leonardo Espina?

Malapit nang matapos ang termino ni PNoy. Sana, hindi ang Mamasapano tragedy ang maging legacy niya at hindi rin ang Tuwid Na Daan, pagpapakulong kina GMA, JPE, Sens. Bong Revilla at Jinggoy Estrada at pagpapatalsik kay ex-Supreme Court Justice Renato Corona.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

May balita mula sa Paris na ang titulo ay “Tale of the Tape: Congo men biggest; Nokor last on list.” Ito ay tungkol sa “average size” ni Manoy batay sa research na isinagawa tungkol sa bagay na ito. Lumilitaw sa pag-aaral na ginawa sa Europe, Asia, Africa at US ang ganito: Ang Pilipino ay may average size penis na 10.85 cm o 4.27 inches; ang Kano ay 12.90cm o 5.08 inches; sa Congo ang lalaki ay 18.03cm o 7.1 inches (pinakamalaki) samantalang ang North Korea ang may pinakamaliit sa 9.65cm o 3.8 inches.