Ito ang ikalawang bahagi ng ating paksa tungkol sa mga bagay na maaaring magdulot ng wakas sa daigdig ayon sa mga siyentista. Binanggit natin kahapon ang climate change na hinahanapan ngayon ng paraan ng mga gobyerno sa daigdig upang maibsan ang epekto nito sa ating kapaligiran at buhay; pati ang impact ng isang malaking asteroid na pinaniniwalaang pumuksa sa mga dinosaur noong unang panahon at malawak na kagubatan noong 1908 sa Tunuska, Russia.

Ipagpatuloy natin...

  • Virus – Mga nakamamatay na pathogens (bacteria na lumilikha ng sakit) ang umuusbong taun-taon. Sa huling talaan ng pandemics (mga sakit na kumakalat sa napakaraming tao) kabilang na ang mga outbreak ng SARS (severe acute respiratory syndrome), bird flu, at kamakailan lan ay ang coronavirus na tinatawag na MERS na nagsimula sa Saudi Arabia. At dahil sa ating mahigpit na koneksiyon sa pandaigdigang ekonomiya, mabilis kumalat ang nakamamatay na sakit. At siyempre nariyanm pa rin ang HIV-AIDS.
  • National

    DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

  • Virus na gawa ng tao – Hindi lamang ang mga kapahamakang gawa ng kalikasan ang dapat nating pangambahan. Noong 2011, nagalit ang scientific community sa mga researcher na lumikha ng isang mutant na bersiiyon ng bird flu na H5N1 na naisasalin sa mga hayop at sa hangin. Lumikha ng pangamba ang mga resulta sapagkat maaaring makatakas ang nakamamatay na sakit mula sa laboratoryo – aksidente man o intensiyunal – na maaaring mauwi sa pandaigdigang pandemic.
  • Fungus – Gayong mapanganib ang banta ng bacteria, mas nakatatakot ang banta ng fungus. Nagkaroon noon ng isang bagong amphibian fungal disease na nagdulot ng masasamang epekto. Nangamatay ang mga palaka sa maraming bahagi sa Amerika. Ang fungus ng tao ay may kakayahan ding lumikha ng malawakang kapahamakan. Mayroon namang antibiotics na pumupuksa ng fungus, ayon sa mga siyentista ngunit nakasalalay iyon sa bilis ng paglalapat ng lunas.

Sundan bukas.