Muli na namang bumagsak ang temperatura sa Metro Manila kahapon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong 6:10 ng umaga nang maramdaman sa National Capital Region (NCR), partikular na sa Science Garden sa Quezon City, ang 19 degrees Celsius.
Sinabi ni Meno Mendoza, weather specialist ng PAGASA, na patuloy na mararamdaman ang epekto ng northeast monsoon o amihan sa bansa hanggang sa ikatlong linggo ng Marso.
Aniya, asahan pa ang mas malakas na amihan sa mga susunod na araw.
Sa taya ni Mendoza, asahan ang pinakamainit na panahon sa bansa susunod na buwan.