OSAKA, Japan (AP) – Sinabi ng pulisya na limang katao ang napatay sa pananaksak sa isang maliit na bayan sa kanlurang Japan kahapon.

Inaresto ang 40-anyos na si Tatsuhiko Hirano kaugnay ng insidente. Hindi pa malinaw ang motibo hanggang sa ngayon.

Ayon sa media reports, ang mga biktima, na kapitbahay ng suspek, ay nasa edad 60-80 at nakatira sa dalawang bahay sa bukid sa may lungsod ng Sumoto sa Awaji Island.
National

DOJ sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa Czech Republic: 'I have no specific answer yet as of now'