Lumitaw sa huling pag-aaral na lung cancer at hindi na breast cancer ang pangunahing dahilan ng pagkamatay sa cancer ng kababaihan sa mundo, ayon sa opisyal ng isang anti-smoking advocacy group.

“We are alarmed with the latest development of lung cancer already overtaking breast cancer as the leading cause of cancer death among women in the United States,” pahayag ni Emer Rojas, pangulo ng New Vois Association of the Philippines (NVAP).

Isinusulong ng grupo ang pinag-ibayong pagpapatupad ng Graphic Health Warning sa mga pakete ng sigarilyo sa bansa.

Inahayag kamakailan ng American Cancer Society at International Agency for Research on Cancer na ang lung cancer ang itinuturing na pangunahing dahilan sa pagkamatay ng mga babaeng nagkakasakit ng cancer.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Naniniwala ang mga researcher na malaki ang papel ng paninigarilyo sa pagdami ng namamatay sa lung cancer, ayon kay Rojas.

Sinabi rin ng Philippine Cancer Society na aabot sa 3,000 Pinoy ang namamatay kada taon dahil sa lung cancer, na karaniwang nagmumula sa second-hand smoke.

Mula sa tinatayang 24 na milyong Pinoy na nakalalanghap ng tobacco kada araw, 66.7 porsiyento sa mga ito ay nakasisinghot ng second-hand smoke sa trabaho habang 75.7 porsiyento ay sa mga lugar na hindi ipinagbabawal ang paninigarilyo.

Aabot din sa 55 porsiyento ng edad 13-15 ang nakasisinghot ng second-hand smoke sa bahay habang 65 porsiyento sa mga ito ay sa mga pampublikong lugar.

Samantala, sinabi ng Department of Health (DoH) na tumaas din ang bilang ng mga Pinay na naninigarilyo sa bansa noong 2012.

Umangat din ang Pilipinas sa ika-16 na puwesto sa Top 20 Female Smoking Population in the World 2008 mula sa dating ika-25 posisyon sa 2006 Global Adult Tobacco Survey (GATS). (CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE)