SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng kampanya ng pulisya na Oplan: Lambat-Sita, dalawang magsasaka sa bayang ito ang nakumpiskahan sa checkpoint ng mga de-kalibreng baril sa Barangay Payapa, San Antonio, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Supt. Ricardo Villanueva, commanding officer ng Provincial Public Safety Company (PPSC), kay Senior Supt. Crizaldo Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang mga nahulihan ng baril na sina Rodolfo Ayroso y Suba, 58, ng Barangay San Francisco at Juanito Gonzales Bondoc, 45, ng Bgy. Maugat, parehong sa bayang ito.

Nabatid na pinara sa checkpoint ang nakamotorsiklong (HM-4827) si Suba at nakumpiskahan ng isang .9mm pistol MS Parabellum Europe Standard quality na may dalawang magazine na kargado ng 23 bala.

Nasamsam naman kay Bondoc, na nakasakay din sa motorsiklo (5181-NM), ang isang .40 caliber pistol na may tatlong magazine at 22 bala.
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso