Nasa 160 pamilya ang nawalan ng tirahan sa isang sunog sa Roxas City, Capiz.

Inilikas ng pamahalaang lungsod ng Roxas sa Dinggoy Roxas Civic Center ang mga nasunugan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Roxas City, nagsimula ang sunog pasado 7:00 ng gabi nitong Linggo sa Barangay 9 at Barangay Punta Tabuc. Mabilis na kumalat ang apoy dahil bukod sa gawa sa materyales na madaling tupukin ang mga bahay sa lugar, napakalakas din ng hangin.
National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian