Malalaman ngayong Lunes kung magkano ang idadagdag sa singil sa kuryente ngayong buwan sa mga franchise area ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, posibleng maliit na halaga lang ang idadagdag sa presyo ng kuryente. Ngunit, aniya, depende pa rin ito sa magiging epekto ng ibang component, gaya ng distribution charge na inaasahang walang pagbabago.

“It’s either way (taas o baba),” pahayag ni Zaldarriaga.

“Hinihiling din natin sa mga barangay officials na tulungan kami na magbantay sa illegal na gawain, gaya ng pagkakabit ng jumper,” dagdag pa niya.

Sandro Marcos, nag-react sa malisyosong video ng ama