FROM our source na GMA- 7 insider, nalaman naming na may linaw na raw ang pagbabalik telebisyon ni Willie Revillame.

Willie RevillameBanggit sa amin ng source, malamang na ang makatapat ng bagong show ni Willie sa Siyete ay ang numero unong programa tuwing Linggo ng ABS-CBN, ang ASAP.

Si Wilie raw mismo ang pumili ng naturang time slot mula sa tatlong time slot na inilatag sa kanya na maaaring paglagyan ng bagong show niya.

Pinili raw ni Willie ang time slot na pawang old movies ang umeere, bago sumalang ang Sunday All Stars.

National

'Di nagdrama!' Robredo, dumalo sa lahat ng SONA noon ni FPRRD -- Ex-OVP spox

Dagdag pa ng source, si Willie ang magiging producer ng show. Kaya blocktimer ang naturang programa na hindi alam kung ano ang magiging titulo.

Once a week lang ang show kaya pinag–iisipan daw ni Willie at ng GMA Network management kung madadagdagan pa ng ibang araw ang palabas ng komedyante.

Pinag-uusapan na rin daw kung sinu-sino ang magiging co-host ni Willie. Malaki siyempre ang posibilidad na ilan sa Kapuso stars ang makasama niya.