Sa ‘di inaasahang mga pagbabago dala na rin ng patuloy na paglaki ng pamilya ng Philippine Basketball Assocuiation, nahirang para maging unang president at chief executive officer ng liga unang pla-for-pay league sa Asia si outgoing commissioner Chito Salud.

Commissioner Chito Salud Sa naganap na board meeting noong nakaraang Sabado sa Puerto Princesa City sa Palawan kung saan idinaos ang 2015 PBA All-Star Weekend, inihayag ni chairman Patrick Gregorio ang naging pagsang-ayon ng board sa nasabing appointment ni Salud.

“In our board meeting (Saturday), we have finalized the restructuring and the reorganization of the PBA effective immediately, we will have a president/chief executive officer,” pahayag ni Gregorio matapos ang kanilang board meeting sa Aziza Paradise Hotel doon.

Ayon kay Gregprio, malaki ang pagkakaiba ng kasalukuyang posisyon ni Salud sa dati nitong puwesto bilang league Commissioner.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Bilang president at CEO, si Salud ang mamamahala sa corporate side ng liga habang ang commissioner naman ang siyang hahawak ng tungkol sa mga laro sa PBA at sa D-League kabilang na ang teknikal na aspeto ng liga.

“We still want to grow and we feel that the CEO can help us grow this league,” ayon pa kay Gerorio. “Meron na po siyang ibang gagampanang trabaho at kasama niya rito ang game commissioner para yung concentration pagdating sa games, pagdating sa officiating, pagdating sa technical nandoon na po kay game commissioner.”

“The Board has requested Atty. Chito Salud and he has accepted because we feel the PBA must address two very important issues: strategic growth and sustainability,” dagdag pa nito.

Makakatulong din aniya nila si Salud, ayon kay Gregorio, sa pagrerepaso ng PBA by-laws.

Napapanahon na rin aniya ang pagrepaso at paggawa kung kinakailangan ng pag- amyenda sa PBA by-laws na huling inamyendahan noon pang 1994.

Bukod sa appointment ni Salud, nakabuo na rin aniya ang board ng listahan ng kanilang mga pagpipiliang kandidato para sa posisyon ng PBA Commssioner.

“We realized we needed badly to restructure when commissioner Salud resigned. We realized it is time to transform so when we approved the restructuring we cleared this with our owners and they all agreed unanimous, very fast I must say.”