ROSARIO, Batangas - Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang retiradong opisyal ng pulisya makaraang pagbabarilin sa loob ng barberya sa Rosario, Batangas noong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Supt. Ruperto Hupida, 59, ng Barangay Sta. Cruz, Rosario.

Ayon sa report ni SPO2 Lyndon Montales, dakong 4:30 ng hapon at nasa loob ng Centro Barbershop ang biktima nang sundan ng isang armadong lalaki at pinagbabaril.

Kaagad nakatakas ang suspek at inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaslang.
National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami