Panagbenga Float parade

Sinulat at mga larawang kuha ni RIZALDY COMANDA

SA ika-20 taon ng Panagbenga Festival, muling pinatunayan ng Baguio Flower Festival Foundation, Incorpporated (BFFFI) at ng city government ang pagiging crowd drawer at Mother of all Festivals in Northern Luzon, na may tema ngayong taon na Panagbenga Across 20 Years… Blossoming Together.

Sa pagdiriwang ng grand street dancing at flower floats parade noong Pebrero 28 at Marso 1, muling dinagsa ng mga manonood  ang dalawang pinaka-highlight ng festival na tumakbo ng mahigit isang buwan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Elem Category Winner Mabini-2 (1) copy

Street Dancing

Labing-anim na grupong kalahok sa street dancing competition ang nagpakita ng kani-kanilang makabagong estilo ng sayaw na hango sa kultura at tradisyon ng rehiyon. 

Siyam sa Elementary Category ang nagtagisan ng husay sa tugtugin ng drum and lyre at muli ay napanatili ng defending champion na Mabini Elementary School ang kanilang korona. Pumangalawa ang Baguio Central School at pangatlo ang Aguinaldo Elementary School.

Nagwagi naman sa secondary category ang Baguio City National High School (BCNHS), na sinundan ng Kalinga Ciltural Group at Pinsao National High School.

Dalawang pambato naman ng lalawigan ng Benguet para sa open category ang tinalo ng Ilocos Norte mula sa ipinagmamalaking Pamulinawen Group ng Ilocos Norte. Pumangalawa naman ang Itogon Cultural Group at pangatlo ang Benguet State University (BSU) Everlasting Cultural group.

First Place TIEZA-2 copy

Flower Floats

Kung dinagsa ang street dancing parade ay triple naman ang manonood sa flower floats parade noong Marso 1. Napatunayan na tuwing float parade pinakamarami ang mga manonood, dahil nais nilang makita ang iba’t ibang uri ng bulaklak na dekorasyon sa float at bukod dito ay may mga artistang nakasakay.

Makalipas ang pagiging grand slam sa third prize ng mga nagdaang taon ng Panagbenga, nakamit naman ng North Luzon Expressway (NLEX) ang pagiging grand champion ngayong taon, na isang magandang regalo sa kanilang katatapos na selebrasyon sa ika-10 taong anibersaryo ng NLEX noong Pebrero.

Agaw atensiyon sa mga manonood ang carnival theme ng NLEX float na punong-puno dekorasyong iba’t ibang bulaklak, may ferris wheel, hot air balloon, at circus, kasabay ang daring stunts ng acrobats.

Labing-anim na flowers float ang pumarada at 13 dito ay nasa competition category. Naging tabla naman ang float ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Anuthority (TIEZA) at Jollibee Foods Corporation, kaya wala nang third prize, samantalang pumarada rin ang Hall of Famer na Baguio Country Club at SM Group of Companies at taunang paglahok ng float ng city government.