UNITED NATIONS, United States (AFP) – Nagpahayag ng galit kahapon si UN Secretary-General Ban Ki-moon sa pagwasak ng grupong Islamic State (IS) sa mga cultural site sa Iraq at hinimok ang mundo na pigilan ang grupo at papanagutin ang may sala.

“The secretary-general urgently calls on the international community to swiftly put a stop to such heinous terrorist activity and to counter the illicit traffic in cultural artifacts,” saad sa pahayag ni Ban na binasa ng kanyang tagapagsalita. “The deliberate destruction of our common cultural heritage constitutes a war crime.”

Gamit ang bulldozer, dinurog ng IS ang sinaunang Assyrian city ng Nimrud, winasak ang mga artifact sa museo ng Mosul at napaulat na target naman ngayon ang 2,200-anyos na lungsod ng Hatra, isang world heritage site.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists