Kapag maayos, mahusay at matapat ang pamamahala sa alinman sangay ng gobyerno lalo na sa mga lalawigan at bayan, nakikinabang, nakikta at nararamdaman ng mga mamamayan. Sa kalusugan, edukasyon, imprastraktura, pangangalaga sa kapaligiran, kapayapaan at kaayusan, at iba na nagbubunga ng pag-unlad ng lalawigan at bayan. Bunga nito, may mga samahan na binbigyan ng pagkilala sa mahusay na pamamahala; nagsilbing inspirasyon sa lalo pang mahusay na paglilingkod.
Ang Department of Interior and Local Goverment (DILG) bawat taon ay nagkakaloob ng pagkilala sa mga lalawigan at bayan sa mahusay na pamamahala. Ito ay ang Seal of Good Housekeeping (SGHK), isang prestigious award na hinahangad makamit ng mga local government unit (LGUs). May kasamang milyon piso na magagamit sa mga proyekto ng probinsiya o bayan na awardee. Ang Rizal ay consistent sa pagtanggap ng SGHK. Noong 2011, ang pamahalaan panlalawigan ay tumanggap ng SGHK Bronze Grade gayundin ang bayan ng Teresa at Jalajala. At noong 2012, tumanggap naman ang probinsIya ng Seal of Good Housekeeping Silver Grade.
Ngayong 2015, ang pamahalaan panlalawian, sa pamumuno ni Gob. Nini Ynares ay pinagkalooban ng DILG ng 2014 Seal of Good Financial Housekeeping (SGFH) award. Bukod dito, ang 11 bayan sa Rizal ay kasama rin sa pinagkalooban ng SGFH award. Ang mga bayang ito ay ang Angono, Binangonan, Cainta, Cardona, Morong. Tanay, Jalajala, Teresa, Rodriguez, San Mateo at Taytay.
Ang SGFK sa Rizal ay dahil sa soundness o katumpakan ng financial and transparency of transactions, gayundin ang compliance with the full disclosure policy of local budget and finances, bids and public offerings, tulad ng annual budget, statements of receipts and expenditures, annual procurement plan o procurement list and bids results on civil works, goods and services and consulting services.
Sa bahagi ng pahayag ni Rizal Gob Nini Ynares, buong puso niyang pinasalamatan ang DILG sa pagkakaloob ng pagkilala at pinapurihan ang mga empleyado ng pamahalaan panlalawigan dahll sa natanggap na award.