Isa ang inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na Laro’t-Saya sa Parke, PLAY N’ LEARN sa tampok na aktibidad sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kapanangakan ng unang pangulo ng Pilipinas na si Heneral Emilio Aguinaldo simula sa Marso 21 sa Kawit, Cavite.

Napag-alaman kay PSC Research and Planning chief Lauro Domingo Jr. at area coordinator Alona Quinto na hiniling mismo ng lokal na pamahalaan ng Kawit sa pamumuno nina Mayor Reynaldo “Tik” Aguinaldo at Vice-Mayor Paul Abaya na mapabilang ang programa sa inihahandang mga espesyal na aktibidad ng National Historical Institute.

“We will ask first for the permission of PSC Chairman Richie (Garcia),” sabi ni Domingo. “Puwede naman isagawa but we have to inform our officials first,” dagdag ni Domingo ukol sa programa na iniendorso mismo ng Palasyo ng Malakanyang para mapangalagaan ang kalusugan at bigyang aktibidad sa sports ang mga komunidad.

Samantala’y patuloy na dumadami ang nagpapartisipa sa programa na isinasagawa sa kabuuang 10 lugar sa bansa partikular sa Kawit, Cavite; Paranaque City, Quezon City Memorial Circle; Bacolod City People’s Park, Iloilo City Freedom Park; Cebu City Parks and Playground; Tagum City; San Carlos City; Baguio City at sa Luneta Park.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Umabot sa 496 katao ang naki-Laro’t-Saya sa Kawit noong Sabado saan sa Zumba/Aerobics ay may 313, badminton (51), volleyball (82) at taekwondo (50) habang sa Paranaque Laro’t-Saya ay may Zumba/Aerobics (70), arnis (41), badminton (27) at volleyball (8) para sa kabuuang 146.

Muli naman dinayo ang Luneta Park Laro’t-Saya sa itinala nitong 856 kataong sumali mula sa Zumba/Aerobics 649, arnis (14), badminton (39), chess (65), karatedo (32) at volleyball (57).