Walang plano ang gobyerno na suspendihin ang K to 12 basic education program, pero handa itong makipagdiyalogo sa mga grupong patuloy na kumukuwestiyon sa nabanggit na bagong sistema ng edukasyon.

Tiniyak ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na sinimulan na ng cabinet education cluster na tugunan ang mga “perceived disadvantage” na idinulot ng pagpapatupad ng K to 12 program, kabilang ang pinangangambahang pagkawala ng trabaho ng ilang propesor.

“Since the effectivity of the law and the implementing rules and regulations, DepEd, CHED, and TESDA have conducted consultations with various stakeholders from public and private schools, so that there will be a clear understanding of the K-to-12 program and to ensure a smooth and proper transition by school year 2016 from the current school program,” sinabi ni Coloma sa isang panayam sa radyo.

“We encourage all that still have queries regarding the K-to-12 program to continue to dialogue with the DepEd and CHED so that all their concerns can be addressed,” dagdag niya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ginawa ni Coloma ang komento makaraang ihayag ng alyansang pinangungunahan ni Senator Antonio Trillanes IV ang planong hilingin sa Korte Suprema ang pagpapatigil sa implementasyon ng 12-taong learning program dahil na rin sa mga pangamba ng mga guro at estudyante na hindi handa para rito.

Ang grupo, na tinatawag na Coalition for K to 12 Suspension, ay napaulat na magsasagawa ng kilos-protesta ngayong Lunes sa Luneta Park laban sa K to 12 program. - Genalyn D. Kabiling