julia barretto

TIYAK na ikinatuwa ng karamihan ang desisyon ni Julia Barretto na huwag nang magpalit ng apelyido sa kanyang legal papers.

Sa totoo lang naman kasi, simula nang lumabas ang isyung papalitan niya ang apelyido ng kanyang ama, na si Dennis Padilla (Baldivia ang apelyido sa tunay na buhay), marami ang nanegahan sa young actress.

Kaya sa prescon para sa kanyang 18th birthday celebration na gaganapin na bukas sa Shangri-La Makati, tahasang binanggit ni Julia na hindi na niya papalitan ang apelyido niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We haven’t even talked about it even sa family. Pero okay, this is the first time I’m speaking about it. I feel that right now, there’s really no need to change my last name,” sey pa ni Julia.

Marunong nang sumagot ngayon nang maayos sa mga ibinatong katanungan sa kanya si Julia Barretto. Hindi na siya kagaya ng iba na nag-iisip mula bago sumagot. Naitawid niya na may kasama pa ring respeto ang mga isyung kinasasangkutan niya kaya, naman puring-puri siya ng entertainment media sa naturang presscon.

Matandaan na noong kumalat ang balita na desidido na siyang palitan ng Barretto ang kanyang apelyido ay puro lait at kanegahan ang inabot niya, na alam ng lahat ng showbiz observers na naging dahilan ng pagbaba ng kanyang popularidad.

Ngayon, tiyak na makakabawi na siya.

Pati na ang intriga sa kanya na ginagamit lang daw niya para sa publisidad ang pakikipagbati sa ama ay may paliwanag ang isa sa magandang young actress ng industriya.

“How can they even think that way? How can you think that a young child wants to get everything okay again with her own father just for publicity? I can’t even swallow it, embrace that thought.

“It’s very false. He’s my dad. Why? Wouldn’t I want to be okay with my dad and have him there sa special day ko? I made things up with him because I want to be okay with my own father, not for anybody,” aniya.

Kumpirmadong darating si Dennis sa debut niya bukas.

“Gift na talaga ‘yung presence ng father ko sa debut ko, that’s really enough. With my mom, she’s given way too much to even ask anything from her. She’s even hands-on sa debut. Siya ang mas pressured,” banggit pa ni Julia sa amin.

Samantala, si Iñigo Pascual ang magiging last dance ni Julia sa 18 Roses ng kanyang debut, pero nilinaw niya na walang namamagitan sa kanila ng anak ni Piolo Pascual. Sobrang close lang daw talaga sila ngayon.