Hangad na makialam ang United Nations sa kapakanan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, hiniling ng international human rights lawyer at asawa ng sikat na Hollywood actor na si George Clooney na si Amal Alamuddin Clooney sa UN Working Group on Arbitrary Detention (UNWGAD) na agarang aksiyunan ang patuloy na pagkakadetine sa kongresista.

Upang bigyang-diin ang kaawa-awang kondisyon ni Arroyo, hinimok ni Clooney ang body na itinatag ng UN Commission on Human Rights na ikonsidera ang kaso sa ilalim ng “urgent action procedure”, sa halip na bilang isang regular na kaso.

Sinabi ni Atty. Larry Gadon, isa sa mga legal adviser ni Arroyo, na hiniling ni Clooney ang pandaigdigang atensiyon kaugnay ng pagkakapiit ng dating Pangulo kahit pa maghahain ng mosyon ang mga abogado ng kongresista para isailalim ang huli sa house arrest, na umani ng suporta sa Kongreso.

Kliyente rin ang Wikileaks founder na si Julian Assange at si dating Ukrainian Prime Minister Yulia Tymoshenko, pinangalanan ni Clooney ang gobyerno ng Pilipinas bilang respondent sa reklamong inihain niya sa UNWGAD nitong Pebrero 26.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Last night, Amal told us that the UN has acknowledged the case and will treat it as an urgent matter,” ani Gadon.

Personal na ring binisita ni Clooney si Arroyo sa hospital suite nito sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City, na roon naka-hospital arrest ang dating punong ehekutibo sa nakalipas na halos tatlong taon.

Sinabi ni Gadon na naniniwala si Clooney na nilalabag ng gobyerno ng Pilipinas ang karapatang pantao ni Arroyo at naipadala na rin nila sa abogada ang mga dokumento at impormasyon tungkol sa kasong plunder ng dating Pangulo. (Ben R. Rosario)