Isang malungkot na balita ang bumungad sa mga mag-aaral at masugid na taga-suporta ng koponan ng De La Salle University women’s volleyball team na nagawang muling makapasok ng finals noong nakaraang Sabado ng hapon matapos talunin ang National University sa kanilang do-or-die match para sa huling finals berth ng UAAP Season 77 women’s volleyball tournmament.

Hindi makakalaro sa darating na finals series ang La Salle skipper na si Ara Galang.

Batay sa pinakahuling balita pagkaraang ma-injure ang top hitter ng Lady Spikers sa huling bahagi ng fourth frame ng nakaraang huling semifinals match nila kontra Lady Bulldogs sa MOA Arena, nagtamo si Galang ng medial collateral ligament at medial meniscus bukod pa sa ACL o anterior cruiciate ligament tear.

Ito’y matapos niyang bumagsak pagkaraan ng isang matinding hit na nagbigay sa Lady Spikers ng 23-20 bentahe.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Bunga nito, posibleng ma-sideline si Galang ng pinakamatagal na ay walong buwan bago muling makabalik sa paglalaro.

Kinakailangan pa rin umanong hintayin ng mga doctor na humupa ang sobrang pamamaga ng kaliwang tuhod ni Galang bago sila magsagawa ng operasyon kung talagang kinakailangan.

Ang pangyayari ay itinuturing na isang matinding dagok sa kampanya ng Lady Spikers na maghahangad sanang mabawi ang titulong naagaw sa kanila ng archrival Ateneo de Manila noong nakaraang taon.

Haharapin nila ang outright finalist na Lady Eagles na may taglay pang thrice-to-beat advantage dahil sa naitala nitong sweep ng nakaraang elimination round.