LONDON (AP) – Ipinagpag ni Novak Djokovic ang namamagang daliri at nakipagtambal kay Nenad Zimonjic sa pagdispatsa sa Croatia at dalhin ang Serbia sa Davis Cup quarterfinals kahapon.
Ang kanilang doubles win mula sa straight sets para sa ‘di mababasag na 3-0 na kalamangan na may isang araw pang nalalabi ay natapatan ng France sa Frankfurt, kung saan pinalawig nito ang 62-year winning streak kontra Germany.
Kasabay nito, nanalo ang United States at Czech Republic ng five-set doubles upang maiwasan ang first-round defeat sa kamay ng Britain at Australia, ayon sa pagkakasunod.
Tinulungan ni Zimonjic si Djokovic na mapanalunan ang kanyang unang doubles sa loob ngpitong taon nang kanilang patalsikin sina Marin Draganja at Franko Skugor, 6-3, 6-4, 6-1 sa Kraljevo na hindi nagbigay ng pagkakataon sa kalaban na sila ay ma-break.
‘’Our ambition is to reach the finals,’’ saad ni Zimonjic. Ang ambisyon na iyon ay hindi imposibleng magawa nila dahil sa pagko-commit ng No. 1-ranked na si Djokovic sa Davis Cup ngayong taon.
Sina Julien Benneteau at Nicolas Mahut, sa kanilang debut, ang nagpausad sa 2014 runner-up na France nang kanilan gtlaunin sina Benjamin Becker at Andre Begemann, 6-4, 6-3, 6-2, para sa kanilang ikawalong sunod na panalo laban sa Germany.
Posibleng magbiyahe ang France sa Britain, na natalo sa doubles sa U.S. twins na sina Bob at Mike Bryan, ngunit nananatiling lamang sa 2-1 kung saan si Andy Murray ang mag-uumpisa sa reverse singles laban kay John Isner ngayong araw sa Glasgow. Si Murray ay 3-0 kontra Isner.