Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao, partikular ang Davao Occidental.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, naitala kahapon ang pagyanig dakong 12:38 ng madaling araw.
Natukoy naman ang epicenter sa layong 53 kilometro sa timog-silangan ng Sarangani, Davao Occidental.
Nabatid na may lalim itong 81 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Iniulat ng Phivolcs na walang inaasahang aftershock ang nabanggit na lindol.