CEBU CITY – Tutol ang mga taxi operator sa Cebu sa anumang bawas-pasahe sa taxi, iginiit na hindi lang naman sa gasolina nakadepende ang pamamasada ng taxi kundi maging sa gastusin sa pagmamantine nito.

Kinontra ng Cebu Integrated Transport Service Cooperative (CITRASCO), ang pinakamalaking transport group sa Cebu, at ng Metro Cebu Taxi Operators Association (MCTOA) ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibaba sa P30 ang P40 na flag-down rate sa taxi.

Magiging epektibo ang nasabing rollback ng LTFRB simula ngayong Lunes, Marso 9.

Sinabi ni Ryan Benjamin Yu, chairman ng CITRASCO, na kokonsulta siya sa kanyang abogado sa posibilidad na maghain siya ng motion for reconsideration o humingi ng temporary restraining order sa nasabing desisyon ng LTFRB. (Mars W. Mosqueda Jr.)
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists