Buong pananabik na iniulat ng world press ang talumpati ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa United States Congress noong Miyerkules kung saan tinutulan nito ang isang kasunduan ng mga bansa sa Kanluran at Iran.

Ipinanukala niya ang isang alternatibong kasunduan na, aniya, magiging mas mahirap para sa Iran na gumawa ng isang nuclear bomb. Ipinanukala rin niya ang mas mabigat na paghihigpit hanggang sumang-ayon ang Iran na ihinto ang kanilang “sponsorship of terrorism around the world” at kanilang “calls for Israel’s destruction.”

Kasabay nito, nakita ng American press ang talumpati ni Netanyahu sa ibang antas. Inimbita ang Israeli leader sa US hindi ng demokratikong White House kundi ng Congress, kung saan ang dalawang kapulungan nito ay kontrolado ngayon ng Republican Party, na kilala sa tawag na Grand Old Party (GOP). Nagsalita si Netanyahu sa Congress sa imbitasyon ni Speaker John Boehner ng GOP, ngunit hindi inimbita sa White House ni Pangulong Obama ng Democratic Party. Kalaunan, binatikos ni Obama ang talumpati ni Netanyahu, sinabing “there’s nothing new” doon.

May mahigpit na pakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa Israel at Iran at pinahahalagahan natin ang kanilang magkakasalungat na paninindigan. Nais ng Iran na mag-develop ng isang nuclear power program, sinabi na ang programang ito ay para sa mga layuning pangkapayapaan. Ngunit hindi malilimutan ng Israel ang pangako ng mga Iranian leader na wawasakin ang Israel at, gaya ng sinabi ni Netanyahu sa US Congress, ang abilidad na ipatupad ang bantang iyon ay mangyayari sa sandaling magkaroon ng nuclear bomb ang Iran. Sa isyung ito, malamang na walang papanigan ang Pilipinas.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ngunit sa ibang antas ng pulitika – ang paglalaro ng mga puwersa at hakbang ng American Republicans at Democrats, ng White House at ng US Congress – maaari nating isatinig ang ating pagpapahalaga sa isang gumaganang demokratikong sistema. Nasa White House si Obama at kumikilos ang US Congress na parang isang tunay na malaya at co-equal body, sa lawak na inimbitahan nito ang isang foreign leader tulad ni Netanyahu na magtalumpatio, na binalewala ang pananaw o damdamin ng Pangulo hinggil sa paksa.

Walang dudang mapapansin ng ilan sa ating mga kababayan ang kaibahan ng situwasyon sa Pilipinas. Dito mayroon tayong isang Kongreso na mahigpit na sinusunod ang mga kahilingan ng Pangulo. Sa kasaysayan, kilala ang mga miyembro ng Kongreso na tumatalon sa bagong partido ng Pangulo – ang Kilusang Bagong Lipunan ni Pangulong Marcos, ang Unido ni Pangulong Cory Aquino, ang Lakas-NUCD ni Pangulong Ramos, ang Puwersa ng Masang Pilipino ni Pangulong Estrada, ang Lakas-Kampi ni Pangulong Arroyo, at ang Liberal Party ngayon ni Pangulong Noynoy.

Ang ideya ng isang malayang Kongreso at isang sistema ng praktikal na mga partido pulitikal ay nananatiling huwaran. Malamang na gugugol ng mahabang panahon upang matamo natin iyon.