Nagtapos ang maliligayang araw ng isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na wanted sa kasong kidnapping makaraan siyang maaresto ng pulisya sa Barangay La Piedad sa Isabela City, Basilan kahapon.

Ayon sa report ng Isabela City Police Office (ICPO), ang suspek ay si Abdillah Asalin, na gumagamit ng mga alyas na “Abdillah” at “Abs.”

Naaresto ang suspek makaraang mamataan sa isang videoke bar sa Valderosa Street sa Bgy. La Piedad, Isabela City.

Isang report ang natanggap ng ICPO na nagsasabing naglalagi si Asalin sa Castillo videoke bar at hindi nakapalag nang posasan ng pulisya.

National

Guo, nag-sorry kay SP Chiz: 'Wala po akong intensyong diktahan ang Senado'

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention na nakasampa sa Branch 261 ng National Capital Judicial Region, Regional Trial Court, sa Pasig City.

Si Asalin ay sangkot sa kidnapping noong Marso 20, 2000 sa Tumahubong, Basilan.