CURIOUS kami kung sino ang sinasabing tatlong jury ng Your Face Sounds Familiar na ipakikilala na raw sa susunod na Linggo, ayon sa business unit head ng programa na si Louie Andrada.

“Basta, malalaman mo, another presscon ‘yun, mga sikat sila at may shows,” pagtiyak sa amin ng bossing ng talk and reality TV unit.

Pero nai-reveal naman daw na sa KrisTV na isa si Jed Madela sa jury, in fairness, may ‘K’ naman siya dahil WCOPA champion siya.

Nag-iisip kasi kami, Bossing DMB kung sino pa ang puwedeng maging jury sa nasabing programa na dapat ay music icons din para may ‘K’ mamili kung sino ang papanalunin lalo’t celebrities ang mga kasali.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaan na noong mapasama si Sarah Geronimo bilang coach ng The Voice ay may namintas at nanlait na siya lang ang walang international career kumpara kina Lea Salonga, Bamboo at Apl de Ap.

Pero totoo ngang nakakapuwing ang maliit, dalawa na ang naipanalo ni Sarah sa singing contest, ang unang The Voice Kid champion na si Lyka Gairanod at ang second season The Voice champion na si Jason Dy.

Sino ang mag-aakalang mas magaling palang voice coach si Sarah kaysa kina Lea, Bamboo at Apl de Ap?  O mas marami lang siyang fans?

Naging jury na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Charice at Ms. Pilita Corrales sa The X-Factor na pinanalunan ni KZ Tandingan, posible kayang umulit sila sa Your Face Sounds Familiar?

Sino pa ba sa music icons ang puwedeng maging jury, parang gusto naming makita sina Ms. Nora Aunor, Vernie Varga, Lani Misalucha, Dulce, at ang GMA artist na si Regine Velasquez na malabong mapasama.

Anyway, dalawa na lang ang aabangan nating jury bossing DMB, sana isa sa mga nabanggit namin, he-he-he.

Sabi namin kay Louie Andrada, maraming artistang mabubuhay ang career dahil sa Your Face Sounds Familiar, na sinagot niya ng “hindi naman” sabay singit ng executive producer ng programa na si Lani Gutierrez, “bakit wala pang career ‘yung mga sinali namin (iprinisinta sa presscon)?” 

Ipinaliwanag namin na ‘yung mga hindi na gaanong aktibo sa career nila.

“Hindi naman, marami pa, actually, nu’ng nagka-casting kami, ang dami-dami na hindi lang magkatugma-tugma ‘yung schedules,” kuwento ni Louie. “At saka ‘yung puwedeng sumali as long as magpi-fit sila sa requirements, kailangan marunong kang kumanta, hindi necessarily na magaling kang kumanta, ‘yun ‘yung number one requirement at hindi lang basta kumanta, dapat kumanta ng live at masu-surprise ka.  

“Dito sa show, maraming masu-surprise like si Edgar Allan, hindi mo ini-expect na marunong pala siyang kumanta, ang alam namin marunong siyang sumayaw, kaya nagulat kami, pati kami na-surprise maganda pala ang boses niya

Sa sinasabing palabunutan system, kaya hindi alam ng celebrities na kasali sa Your Face Sounds Familiar, ay may isinagawa nang research na ang staff.

“May pre-research na kami at tinanong na sila kung sino ‘yung comfortable na gagayahin nila na kaya nilang i-approximate at the same time what we feel na babagay sa kanila. May pre-assigned na kaya lang hindi pa nila alam kung sino ‘yung gagayahin nila for the entire run,” paliwanag ng TV executive.

Sabi naman ng EP, “Saka Reggs, hindi naman ito singing contest, pagalingan itong manggaya, kaya edge mo kung magaling kang manggaya.”

Malawak ang scope ng programa dahil pinagsama-sama ang mga staff mula sa reality, variety at talk division. Pero hindi pa sila nakakapag-tape ng pilot episode.

Limang celebreties ang mapapanood sa pilot episode.

“Lima kaagad ang performers na makikita mo, day two, may tatlong performers and some announcement, at may profiles din na doon lang malalaman kung anu-ano ang pinagkakabisihan nila (performers) or nakikilala nila at malalaman mo kung para kanino nila ginagawa ito bukod sa charities na napili nila,” paliwanag pa ng TV exec.

Panibagong challenge ang Your Face Sounds Familiar para kay Louie na pawang money-maker at rater ang mga programang hawak tulad ng KrisTV, Aquino & Abunda Tonight, The Buzz, Gandang Gabi Vice, at The Bottomline.

“Sipag at tiyaga lang at group effort lahat, hindi naman puwedeng ako lang, kasama ko siyempre mga staff ko,” natawang sagot ng TV executive.

Nasubukan ni Louie mag-drama, ito ‘yung Gimik days, pero dahil matagal ang paghihintay sa tapings ay lumipat siya.

“Parang hindi ko kaya ‘yung nakatengga lang, ano kasi ako, gusto ko gumagalaw, gusto ko mabilis, mas gusto kong nai-stress ako, mataas kasi adrenalin ko.  Mas nakakapag-isip ako kapag nai-stress ako, so kaya umalis ako sa drama,” natawang kuwento ni Louie.

“Dati nga trenta lang ang staff ko, ngayon nasa three hundred na. Dati kasya lang kami sa isang maliit na kuwarto kapag Christmas Party, ‘yung dating Blue Without You (bar) nina Roxy (Liquigan) at Mico (del Rosario), kasya kami do’n,

Eh, nitong huli, napuno namin ‘yung buong Packo’s Grill, kasama pati function room, hindi ko akalain na dumami na pala kami.”

Sa madaling salita, ang unit ni Louie ang susunod sa Dreamscape Entertainment na may malalaking project at maraming staff. 

“I think so, kasi sa kabila (Star TV), parang konti pa lang,” sang-ayon ng TV executive.