Nagtala ng twin victory ang San Beda College (SBC)-Taytay matapos manaig kahapon sa kanilang unang semifinals matches sa ginaganap na SeaOil NBTC National High School Championships sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Gaya ng inaasahan, pinataob ng Group C eliminations topnotcher San Beda-A, na binubuo ng reigning NCAA titlist Red Cubs, ang Group F qualifier Lyceum of the Philippines-Cavite, 90-73.

Nagposte naman ng upset, 76-75, win ang kanilang team B, ang Group A topnotcher sa eliminations makaraang ungusan ang defending champion at Group D qualifier Chiang Kai Shek College (CKSC).

Buhat sa 17-14 kalamangan sa first period, nilayuan ng pool team ng Red Cubs ang Blue Dragons sa pagtatapos ng first half, 42-30, sa pagtutulungan nina Joshua Tagala, Peter Alfaro, Germy Mahinay, Ed Velasquez at Prince Etrata na nagsalansan ng kabuuang 25 puntos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mula doon, unti-unti nang hinabol sila ng Blue Dragons hanggang sa maibaba ang kalamangan sa 70-75, may 36 segundo na lamang ang natitira sa oras bago ang split free-throw ni Velasquez.

Ngunit hindi naging sapat ang natitirang oras para sa paghahabol na ginawa ng CKSC sa pamamagitan nina Mou Sayed Ascano at Jason Jimenez na umiskor sa naturang period ng 10 at 9 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, sa isa pang laban, pormal namang pinatalsik ng Group B eliminations qualifier na National University (NU), sa pamumuno ni Allen Mina na umiskor ng 14 puntos, ang Lyceum-Cavite makaraang ipalasap nila ang ikalawang sunod na semifinals loss, 86-53.

Batay sa format, pagsasamahin sa isang grupo ang top teams ng Group A, D at E, gayundin ang top teams sa Group B, C at F.

Ang mga koponan sa bawat group ay maglalaban sa one round robin semis kung saan ang dalawang mangungunang team ang siyang magtutuos sa finals.