Pinabulaanan ni Freddie Roach ang mga pahayag ng media kahapon na iniutos nito na magtalaga ng mga armadong guwardiya upang protektahan si Manny Pacquiao sa kanyang Hollywood gym.
Sa ulat ng UK’s Daily Mail newspaper na personal umanong iniutos ni Roach na bantayan ng security guards ang kanyang Wildcard gym sa Los Angeles at magdala ng mga baril upang, “so people respect them” habang si Pacquiao ay nagsasanay upang paghandaan ang kanyang May 2 megafight laban kay Floyd Mayweather sa Las Vegas.
Subalit sinabi ni Roach, nasa Macau upang gabayan sa corner si China’s Zou Shiming na sasabak kay IBF flyweight world title Amnat Ruenroeng ng Thailand ngayon, sa AFP: “Yeah I heard something about that. It’s not true.”
“We have our normal security. To say they are armed and are patrolling outside the gym.”
Kilala ang gym ni Roach, napagsanay na ang 34 world champions tungo sa kanilang nagningning na karera na nagdala sa kanya sa boxing’s Hall of Fame, na bukas sa lahat ng fans upang mapanood ang kanilang mga paboritong boksingero.
Sinabi ni Roach na pansamantalang isasara ang pintuan ng gym sa media at fans sa kasagsagan ng training sessions ni Pacquiao upang sa ganoon ay ‘di makakuha ng anumang senaryo ang kanilang kalaban habang pinaghahandaan nila ang laban.
“Yes we will work with Manny in private to prepare for Floyd -- that’s normal. But to say I’ve ordered armed security is absolute no,” ayon kay Roach.
Sa pagkakaplantsa ng inaasahang madugong bakbakan ng eight-weight world champions na si Manny Pacquiao at undefeated welterweight Floyd Mayweather, dito na mapagdedesisyunan kung sino ba ang pinakamahusay na fighter sa kanilang henerasyon at inaasahang ang tapatan ay babasag sa lahat ng records at makapag-generate sa region ng $300 million dollars.