Itinuring na walang basehan at katawa-tawa ang mga ebidensiya ng reklamong inihain sa Ombudsman laban kay Vice President Jejomar Binay, ayon kay Attorney Rico Quicho, tagapagsalita ng ikalawang pangulo sa usaping pulitikal.

Kinumpirma ni Quicho hindi pa nakatatanggap ang kampo ni Binay ng kopya ng rekomendasyon mula sa special panel ng Ombudsman hinggil sa umano’y kasong paglabag kaugnay sa sinasabing iregularidad sa itinayong Makati City Hall Building 2.

Tiwala ang tagapagsalita ng bise-presidente na ibabasura lamang ang reklamo sa pamamagitan ng patas at balanseng pagdinig sa hukuman.

Aniya, isa na naman itong senyales na desperado na ang mga kritiko ng ikalawang pangulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Politics has indeed really turned to its worst form,’’ pahayag ni ni Quicho.

Samantala, inilarawan ni Joey Salgado, ng Office of the Vice President (OVP)-Media Affairs, ang pahayag ng Ombudsman bilang “nakalilito at malayo sa katotohanan”.

“Either they are careless or simply want to create the impression that a case has been filed when such is not the case. What the Ombudsman special panel did was to start its preliminary investigation into the allegations which means all parties will be asked to submit their formal comments. It is no different from a preliminary investigation conducted by the fiscal’s office,” diin ni Salgado.