ORLANDO, Fla. (AP)- Ang mahigpitang laro ay sadyang ‘di ukol para sa Orlando Magic sa mga nakalipas na linggo.

Inaasahan na nila na magtatapos ang kanilang laro kahapon sa Sacramento Kings sa pagsisimula ng bagong trend.

Nagposte si Victor Oladipo ng 32 puntos, 10 assists at 5 steals upang ibigay sa Magic ang panalo kontra sa Kings, 119-114.

Nag-ambag si Channing Frye ng 22 points at 10 rebounds, habang nagsalansan si Elfrid Payton ng 10 puntos at 12 assists upang ipagkaloob sa Magic na putulin ang four-game losing streak. Ito ang ikalawang sunod ni Oladipo na taglay ang 30-point game.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nabigo ang Orlando sa nakaraang tatlong mga laro na nagtapos lamang sa single digits.

Umungos ang Magic sa mahigit na 18 puntos bago naghabol ang Kings. Pansamantalang kinuha ng Sacramento ang dalawang one-point leads, subalit nagawa ng Orlando na maipreserba ang panalo sa pamamagitan ng ilang clutch 3s nina Frye at Tobias Harris.

‘’We’re learning how to close out games, how to win close games,’’ pahayag ni Magic interim coach James Borrego. “We saw some growth tonight. ... We trusted each other to move the ball, and that last play with Vic and Tobias was a reflection of the night.”

At ang naging impresibo ay nagawa ng Magic na manalo kahit pa ang limang manlalaro ay nasa listahan ng injury, kasama si center Nik Vucevic, pinagpahinga sanhi ng sore left ankle.

Pinamunuan ni Rudy Gay ang Kings na taglay ang 39 puntos, ang kanyang ikatlong 30-point game sa season. Nagdagdag si DeMarcus Cousins ng 29 puntos at 12 rebounds. Naunsiyami ang Kings sa apat sa kanilang huling limang mga laro. May nalalabi pa silang limang mga laro sa kanilanbg kasalukuyang eight-game road trip.

‘’The road is a hard place, an unfair place, a place where you might have been the better team in the second half, but you don’t get rewarded,’’ pahayag ni Sacramento coach George Karl.

Sumadsad ang kalamangan ng Orlando sa 6 na puntos sa pagsisimula ng fourth quarter.

Nagpatuloy ang Kings sa pag-atake at kinuha ang kanilang unang paglamang sa 100-99 mula sa tres ni Nik Stauskas, may 6:42 pa sa laro.

Rumesponde naman ang Orlando, nagtala ng 9 na sunod na puntos, kasama na ang tres ni Harris upang muling mapasakamay ang 108-100 lead.

Ngunit ang nasabing pag-atake ay agad natunaw. Isinantabi ng mga opisyal ang tres ni Harris matapos ang replay review sa kasagsagan ng timeout kung saan ay nakita na mayroong shot clock violation. Ang 3-pointer ni Sacramento’s Andre Miller at three-point play ni Gay ang nagdala sa Kings upang makalamangan uli, 106-105.

Subalit muling umentra sa unahan ang Magic, 110-108, ngunit nakatanggap ng foul si Aaron Gordon mula kay Omri Casspi matapos ang kanyang 3-point attempt mula sa corner sa natitirang 32.7 segundo pa sa laro. Naisalpak niyang lahat ang tatlong free throws upang ibigay sa Kings kalamangan sa 1 puntos.

Nanggaling mula sa timeout, nakakuha ang Magic mula sa pagkakalibre ni Harris sa corner, kung saan ay humirit ito ng isa pang 3s upang humantong sa 113-111.

Ipinukol ng Kings ang bola kay Cousins, ngunit gumulong lamang sa rim ang bola mula sa kanyang layup na dito ay nakuha ni Gordon ang rebound.

‘’I think everybody was asked to do a lot more, especially with so many guys out,’’ ayon kay Frye. ‘’A lot of guys stepped up and just played ball the right way.’’