Ilegal ang pagpapalabas ng aabot sa P6.7-milyon anniversary bonus ng Maritime Industry Authority (Marina) para sa mga opisyal at kawani nito noong 2013.

Sinabi ng Commission on Audit (COA) na ang pamimigay ng P15,000 bonus sa mga opisyal at kawani ng gobyerno ay hindi pinahihintulutan ng pamahalaan.

Idinahilan ng COA ang Administrative Order No. 263, na may petsang Marso 28, 1996, na nagbibigay-pahintulot sa mga ahensiya na maglabas ng bonus sa panahon lang ng tinatawag na “milestone years”.

“A milestone year refers to the 15th and every fifth year thereafter,” katwiran ng COA.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Binanggit ng COA na sa ilalim ng umiiral na alituntunin ay hindi ikinokonsiderang milestone year ang ika-39 na anibersaryo ng Marina.

“Hence, the payment of anniversary bonus in the total amount of P6,708,750 constitutes an irregular expenditure,” paliwanag pa ng CoA.