Dwyane Wade

MIAMI (AP) – Umiskor si Dwyane Wade ng 28 puntos, habang nagdagdag si Tyler Johnson ng 24 patungo sa pagbura ng Miami Heat ng 12 puntos na fourth quarter deficit upang talunin ang Sacramento Kings, 114-109, sa overtime kahapon.

Ang 3-pointer ni Johnson habang papaubos na ang oras sa shot clock at kulang isang minuto na lamang ang natitira sa laban ang nagbigay ng apat na puntos na abante sa Heat. Nagdagdag si Wade ng isang pares ng free throws sa nalalabing 31.2 segundo upang makuha ng Miami ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa sariling bakuran – ang kanilang pinakamahabang stretch sa season.

Dahil sa panalo, muling nakatuntong ang Heat sa No. 8 sa Eastern Conference playoff race.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

‘’What we talked about just in the locker room right now, at halftime, before the game, at the walkthrough, was developing this grit and a competitive character,’’ lahad ni Heat coach Erik Spoelstra. ‘’And this group is showing some grit, where they’re not feeling sorry for themselves, they’re not making excuses, they’re just enjoying the competition.’’

Gumawa si Michael Beasley ng 18 puntos at nagkaroon ng malalaking minuto para sa Miami kontra kay DeMarcus Cousins habang naglalaro sa gitna ng zone defense ng Heat. Nagdagdag si Mario Chalmers ng 12 at kapwa nag-ambag sina Henry Walker at Chris Andersen ng 11 puntos para sa Heat.

‘’There’s been a lot of nights this season that just don’t make no sense,’’ ani Wade. ‘’But nights like this that end the way they did, we’ll take it.’’

Si Cousins ay nagtala ng 27 puntos at 17 rebounds bago nag-foul out sa overtime para sa Sacramento. Nakaiskor si Rudy Gay ng 27 puntos, nagdagdag si Ben McLemore ng 20 at 10 naman ang kay Derrick Williams para sa Kings na nagmintis sa dalawang short shots na nagbigay sana sa kanila ng panalo sa regulation.

‘’I think it was a good game for us,’’ sabi ni Kings coach George Karl. ‘’We’ll learn some things for it. I’ll learn some things from it.’’

Ang Heat ay naglaro na may siyam na manlalaro lamang, bawat isa sa kanila ang naipasok bago pa natapos ang first quarter. Sila ay naghahabol ng walong puntos pagdating ng halftime, kung napilitang maglaro na wala si Udonis Haslem dahil sa injury.

‘’We’re showing perseverance, man,’’ sambit ni Beasley. ‘’We’re literally giving it everything we have - which isn’t a lot right now. But we’re showing character, if nothing else.’’

Resulta ng ibang laro:

New Orleans 95, Memphis 89

Cleveland 89, Phoenix 79

Indiana 92, New York 86

Philadelphia 92, Atlanta 84

Minnesota 121, Portland 113

Milwaukee 91, Washington 85

Houston 114, Denver 100