Pursigido ang Department of Education (DepEd) na maisulong ang ‘Last Mile’ program sa ilalim ng administrasyong Aquino para makamit ang education for all o EFA goal nito.

“We want to make sure that no child is left behind,” diin ni Education Secretary Armin A. Luistro nang ilatag ang mga programa at proyekto ng kagawaran upang masuportahan ng edukasyon ng mamamayan tungo sa pagiging produktibo at maginhawang buhay.

Aniya, kasalukuyang isinusulong ang malawakang kampanya, sa tulong ng ilang ahensiya ng gobyerno at pribadong grupo, na maipasok sa paaralan ang lahat ng bata at kabataan habang puspusan ang pagpapatayo ng mga gusali upang maresolba ang kakulangan sa silid-aralan at pagkalap ng mahuhusay na guro.
National

Arnold Clavio pumalag sa akusasyong 'fake news' asylum application ni FPRRD sa China