Ipinagdiriwang sa buong mundo ngayong Marso 8 ang International Women’s Day (IWD) na may mga aktibidad na kumikilala at nagpapahalaga sa pang-ekonomiya, pampulitika, at panlipunan na mga tagumpay ng kababaihan. Ang tema para ngayong taon ay “Make it Happen”. “Countries with more gender equality have better economic growth. Companies with more women leaders perform better. Peace agreements that include women are more durable. Parliaments with more women enact more legislation on key social issues such as health, education, anti-discrimination and child support. The evidence is clear: equality for women means progress for all,” ani United Nations (UN) Secretary-General Ban Ki-moon.

Nakasentro ang IWD 2015 sa Beijing Declaration and Platform for Action, na isang roadmap na nilagdaan 20 taon na ang nakalilipas noong 1995 ng 189 gobyerno, kabilang ang Pilipinas, sa isang groundbreaking conference sa China na nagbigay-kahulugan sa karapatan ng kababaihan sa pulitika, edukasyon, trabaho, at sa mga lipunang walang karahasan at diskriminasyon.

Taun-taon, pinagninilayan ng buong mundo ang progreso, nananawagan ng pagbabago at ipinagdiriwang ang katapangan at pagsisikap ng ordinaryong kababaihan at kung paano sila nagdudulot ng inspirasyon upang isulong ang kaunlaran sa kani-kanilang bansa at mga komunidad. Nagdaraos ang London ng mga palabas ng komedya, teatro, literatura at debate tungkol sa kababaihan. Nagsasagawa naman ang New York ng taunang forum na nagtitipon sa mga leader na alamin ang mga paraan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa kababaihan at kabataang babae sa buong daigdig para sa patas na oportunidad. Nag-iimbita naman ang Canada ng 15 babaeng speaker na may iba’t ibang background upang magsalita tungkol sa kung paano nila binabago ang daigdig. May dalawang kilometrong lakad ang Ghana bilang suporta sa gender equality at women empowerment. May mga workshop sa Texas para sa kababaihan at kabataang babae hinggil sa mga isyu ng kasarian, seksuwalidad, lahi, at kapansanan.

Sa Pilipinas, ang Marso 8 taun-aon ay National Women’s Day, alinsunod sa Republic Act 6949 na nilagdaan noong Abril 10, 1990. Ang mga aktibidad ngayong taon ay pinangungunahan ng Philippine Commission on Women at idaraos sa Quezon Memorial Circle, sa temang “Juana, Desisyon Mo ay Mahalaga sa Kinabukasan ng Bawat Isa, Ikaw Na!”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinagdiwang ng UN ang unang IWD noong Marso 19, 1911. Ang petsang ito ng inagurasyon ay pinili upang gunitain ang araw na nangako ang Prussian king ng karapatan sa kababaihan na bumoto noong 1848. Inilipat ang petsa sa Marso 8 noong 1913. Naituon ng UN ang atensiyon sa mga hinaing ng kababaihan noong 1975 sa panawagan para sa isang International Women’s Year, at idinaos ang unang komperensiya hinggil sa kababaihan sa Mexico City. Inimbita nito ang mga member-state upang iproklama ang Marso 8 bilang UN Day for Women’s Rights and International Peace noong 1977. Upang matulungan ang mga bansa na alisin ang diskriminasyon laban sa kababaihan.