CAMILING, Tarlac - Dahil sa pagkahilig sa pagte-text, isang 13-anyos na Grade 6 pupil ang napariwara hanggang tatlong araw na bihagin ng kanyang text mate na 12 beses na humalay sa kanya sa Barangay Lasong sa Camiling, Tarlac.

Ayon kay PO3 Alyn Pellogo, nagtago sa pangalang Jayson Dela Cruz ang naarestong si Crispin Millari, nasa hustong gulang, na naging text mate ng biktima simula noong Enero 18, 2015.

Pebrero 21 nang nagkita ang dalawa at nakumbinse ng suspek ang dalagita na sumama sa kanyang bahay sa Bgy. Marawi, pero ikinandado na ito ni Millari nang tatlong araw at sa panahong iyon ay 12 beses na hinalay ang dalagita.

Sen. JV walang tinatanaw na 'utang na loob sa UniTeam: 'I was boosted out of the line up!'