Buwan ng kababaihan ang Marso at pagsapit ng ika-8 ng buwang ito, idinaraos ang International Women’s Day sa layuning bigyang-parangalan ang mga babae. Batay ang okasyon sa Proclamation No. 224 at Proclamation No. 227 na nilagdaan ng dating Pangulong Corazon C. Aquino noong Marso 1, 1988 at Marso 17, 1988, ayon sa pagkakasunod.

Batay sa Proclamation No. 224, ang unang linggo ng Marso ay Women’s Week at ang Marso 8 naman ng bawat taon ay Women’s Rights and International Peace Day na mas  kilala sa ating bansa na National Women’s Day. Ang nangangasiwa at nakikipag-ugnayan sa pagdiriwang ay ang National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW) sa pambansang paggunita at pagdiriwang. Ngayong taon, ang tema ng Women’s Month ay “Juana, Desisyon Mo ay Mahalaga sa Kinabukasan ng Bawat Isa, Ikaw Na”.

Sinimulan ang pagdiriwang noong Marso 8, 1910 bilang pagkilala sa pakikipaglaban ng mga karapatan ng kababaihan. Hiniling ito ng isang German labor leader na si Clara Setkin sa mga kintawan ng pandaigdigang kilusan ng mga manggagawa. Noong 1977, ang General Assembly ng United Nations (UN) ay nagpatibay ng isang resolution na nag-atas sa mga banang kasapi ng UNs na ipagdiwang ang International Women’s Day tuwing ika-8 ng Mrso. Mula noon, kumalat sa buong daigdig ang pagdiriwang.

Ang Buwan ng Kababaihan ay isang magandang pagkakataon upang bigyan ng pagkilala ang mga Pilipina sapagkat malayo na ang kanilang narating sa pag-aangat ng kalagayan nila sa lipunan. Taglay nila ang talino, potensiyal, at kakayahan upang mag-ambag sa kaunlaran ng kanilang pamilya, komunidad, at bansa. At sa paglipas ng panahon, napatunayan na nataring na nila ang antas ng pagkakapantay sa kalalakihan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ayon sa ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal sa kanyang “Liham sa mga Babaing taga-Malolos’, ang babae ang naghahanda sa isip ng isang bata sa kabutihan, pagmamahal sa karangalan, mabuting asal, pag-ibig sa kapwa at pananampalataya sa Diyos. Maging ang iba pa nating mga bayani at dakilang Pilipino ay babae ang naging inspirasyon at lakas sa likod ng kanilang mga tagumpay.