Ilan sa mga pinakamagagaling na pambansang atleta sa larangan ng dragon boat ang magtatagisan sa 2015 Manila Bay Seasports Festival sa Marso 14-15.

Halos 18 koponan ang inaasahang lalahok sa dragon boat race at karamihan sa kanila ay kinabibilangan ng pambansang atleta na napasabak na sa international championships.

Aarangkada sa taon na ito ang Philippine Airforce (PAF), Crimson Dragons, Amateur Paddlers Philippines, Rogue Pilipinas, Philippine Blue Phoenix, 1925 Paddlers Club, Philippine Coast Guard (PCG), Triton, Onslaught Racing Dragons, Rower Club Philippines Sea Dragons, One Piece Drakon Sangress, Manila Ocean Park, PNP Maritime Group Patriots, Philippine Navy (PN), NTMA Dragon Boat Team, Adamson University Paddlers, Maharlika Drakon Racers at Dragons Republic.

Ang 2015 Manila Bay Seasports Festival ay proyekto ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila at sa pakikipagtulungan ng PCG.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Tampok sa torneo ang stock at formula races para sa bangkang de-motor.

Ang festival ay suportado ng Globe Telecom, Pride Detergent, Cobra Energy Drink, The Generics Pharmacy, Revicon, M. Lhuiller, Columbia Candies at Herco, ang official distributor ng Briggs at Stratton.