Mahigit sa 1,000 kilong isda, na nahuli sa pamamagitan ng pagpapasabog ng dinamita, ang nakumpiska ng Philippine Coast Guard sa operasyons a Manila at Quezon province.
Ang mga nakumpiskang isda, na ikinarga sa mga bangkang de motor at barkong pangisda, ay nadiskubre sa inspeksiyon na isinagawa ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sinabi ng PCG na nahuli ng joint team ang M/B Ada-Jay ni Capt. Rolly Capollo na may kargang mga isdang nahuli sa dinamita sa Barangay Ungos na dadalhin sana sa Real, Quezon.
Sa Maynila, nakatanggap ng impormasyon ang PCG hinggil sa dininamitang isda na ikinarga sa M/B Jemma II, na pagaari ng San Nicholas Shipping Inc., nang dumating ito sa Delpan Wharf.
Ang mga isdan ay natagpuan sa 16 kahon na puno rin ng yelo, ayon sa Marine Environemental Protection unit (MEPU).
May bakas ng dugo sa laman-loob ng mga isda, na kinabibilangan ng mga hasa-hasa at dalagang-bukid, senyales na ang mga ito ay nahuli sa pamamagitan ng dinamita, ayon sa MEPU. - Raymund F. Antonio