CHICAGO (AP)– Naipasok ni E’Twaun Moore ang isang go-ahead 3-pointer sa huling 2.1 segundo upang dalhin ang Chicago Bulls sa panalo kontra sa Oklahoma City Thunder, 108-105, kahapon at tapusin ang triple-double streak ni Russell Westbrook sa apat.

Matapos na maibigay ni Moore ang 3s tungo sa 107-105 kalamangan ng Bulls, napa-apak sa labas ng court si Westbrook matapos makuha ang inbound pass, hindi niya nakita na bukas si Serge Ibaka para sa potensiyal na game-tying shot.

‘’Just trying to get a good shot. I should have passed to Serge,’’ sinabi ni Westbrook. ‘’That was a bad decision on my part. He was open and I should have hit him.’’

Nagtala si Westbrook ng 43 puntos sa kanyang 14-of-32 shooting at nagdagdag ng 7 assists at 8 rebounds. Noong Miyerkules ng gabi sa Oklahoma City, inilista niya ang career-high na 49 puntos at 16 rebounds kasama ang 10 assists sa kanilang overtime victory kontra sa Philadelphia.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Si Westbrook ang unang manlalaro na nagkaroon ng apat na sunod na triple-double mula nang magawa ito ni Michael Jordan ng pitong sunod noong 1989.

Ang All-Star MVP ay nakapagtala ng may 40 puntos sa ikatlong sunod na laro. Nagsuot si Westbrook ng protective mask at headband sa ikalawang sunod na laban matapos ma-fracture ang buto sa kanyang kanang pisngi noong nagdaang Biyernes sa Portland.

Humakot si Ibaka ng 25 puntos at 9 rebounds para sa Oklahoma City.

‘’He’s not happy that he scored a bunch of points and got a bunch of rebounds and assists and we lost the game,’’ pahayag ni Thunder coach Scott Brooks. ‘’Russell is about winning and about winning only.’’

Umiskor si Westbrook ng 19 puntos sa third quarter upang tulungan ang Thunder na kunin ang 79-72 abante papasok sa fourth period. Nakadikit ang Bulls sa isa sa dalawang free throw ni Nikola Mirotic, may 2:16 natitira pa sa orasan.

Nakakuha si Moore ng tsansa para sa 3s matapos makuha ni Pau Gasol ang bola at kumulapso ang depensa sa kanya sa poste. Sa halip na ipilit ang basket, nabasa ni Gasol ang play at ipinasa ang bola kay Moore para sa game-winner.

‘’I was aware of the time management,’’ pahayag ni Moore. ‘’I knew we only had four seconds (when the play started) and if he kicked it out, I knew there’s not much time left. I just shot it with confidence.’’

Nagtapos si Mirotic na may 26 puntos, 21 ang kay Gasol kasama ang 12 rebounds, 21 puntos din ang ibinigay ni Mike Dunleavy habang si Moore ay nagtapos na may career-high na 19. Si Joakim Noah ay mayroong 12 rebounds.

Naglaro na wala ang dating MVP na si Derrick Rose (knee) at All-Star na si Jimmy Butler (left elbow), tinapos ng Chicago ang kanilang season-high na seven-game homestand sa 5-2, naipanalo ang isang laro na malaki ang kahulugan para sa Bulls.

“‘It was great,’’ ani Noah. ‘’That felt so good. It felt really good.’’

Sa kabila ng isa na namang star performance mula kay Westbrook, hindi naging maganda ang pagtatapos para sa Oklahoma City makaraan nitong makalamang ng 16 sa first half.

‘’We’ve got to close out better,’’ sabi ni Westbrook. ‘’That’s my job.’’