GENERAL SANTOS CITY – Isang guro sa pampublikong paaralan at tatlo niyang kasabwat ang naaresto nitong Huwebes ng mga pulis sa isang anti-drug operation sa Quirino, Sultan Kudarat.

Kinilala ni SPO4 Darwin Tambasacan ang naaresto na si Rocky Canoza, guro sa Katiko Elementary School sa bayan ng Quirino; Hernan dela Cruz; Anastacio Bernido at Adonis Pagarigan.

Sinalakay ng pulisya ang bahay ni Pagarigan sa Barangay Katiku, at naaktuhan sa pot session ang mga suspek.

Nakakumpiska rin ang pulisya ng 13 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7,000 at mga drug paraphernalia.

FPRRD, may agam-agam umano sa Halalan 2025 ayon kay VP Sara

Todo tanggi naman si Canoza, sinabing nagpunta lang siya sa lugar para magbayad ng utang kay Pagarigan. (Joseph Jubelag)