Jaime at Taylor

NAKILALA si Taylor Swift bilang matagumpay na pop star, Welcome Ambassador for Tourism ng New York City at tinaguriang persona ng isang human sunbeam. (Naibalita na nagbigay siya ng $50K sa New York public schools, pero hindi naibalitaan na nagbigay siya ng pera sa isang fan para makabili ng Chipotle. Oo, ginawa niya ‘yon).

Ngayon naman, inihayag ng 25-anyos na Blank Space singer ang isa pang titulo sa kanyang listahan ng perennial goodness: ang pagiging godmother o ninang ng magiging anak ni Jaime King.

“Guess who just got named Godmother of this little one...,” saad niya sa Instagram. “(ME) @jaime_king @kyle_newman.”

National

‘Ikaw unang nang-iwan!’ PBBM, ‘gina-gaslight’ si VP Sara – Harry Roque

Sa isa pang larawan na tiyak na ikakatuwa ng marami, ipinamahagi din ng 35-anyos na aktres sa Hart of Dixie ang balita. “And @taylorswift will forever be looking over our new baby,” saad naman ni Jaime King. “@kyle_newman we all love you!!!! X.”

Nitong nakaraang buwan lang ay inihayag ni King at ng kanyang asawa na si Kyle Newman na magkakaroon na sila ng ikalawang anak. Ikinuwento niya sa People noong Enero ang kanyang pakikipaglaban sa infertility bago siya mabuntis sa kanyang unang anak. “I was hiding what I was going through for so long,” aniya, “and I hear about so many women going through what I went through. If I’m open about it, hopefully it won’t be so taboo to talk about it.”

Ngayon, hindi lang niya isisilang ang kanyang ikalawang anak, makakatulong din niya si Taylor Swift sa pagbabantay dito – siguro’y matuturuan din niya ng mga bagay-bagay ang bata. Sabagay, hindi nga naman siguro mahirap matutong gumawa ng isang kanta tungkol sa isang ex na nanloko sa iyo. - Yahoo News/Celebrity