PROVINCIAL CAPITOL, Ilagan City – Mariing pinabulaanan ni Isabela Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez, CPA, ang lumabas sa isang pahayagan nitong Marso 1 na pineke umano ni Provincial Information Officer Jessie James Geronimo ang resulta ng kanyang Civil Service eligibility examination (career professional) na may petsang Oktubre 20, 2013.

Ayon kay Lopez, nag-ugat ang usapin matapos maging permanente si Geronimo mula sa pagka-officer-in-charge nito sa pagiging regular na posisyon bilang Provincial Information Officer (PIO) ng lalawigan.

Sinabi pa ni Lopez na may posibilidad na nadawit lang ang pangalan ni Geronimo dahil may dating kawani ng CSC ang may galit at nagkataon lang na ang nasasangkot na kasalukuyang PIO ay naging malapit sa kanya.

Nilinaw din ni Lopez na walang basehan ang lahat ng lumabas sa naturang pahayagan dahil bukod dito ay sinabi rin ng sumulat na patay na si Mr. Alvin Paras na dating PIO, gayong buhay ito bagamat na-stroke at kasalukuyang nagpapagaling.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Civil Service sa Region 2 upang linawin ang isyu. Kasalukuyang pinag-aaralan ng legal office ng kapitolyo ang kasong maaaring isampa sa naturang pahayagan at sa sumulat ng artikulo dahil sa kahihiyan at perhuwisyong naidulot hindi lang sa pamilya ni Geronimo kundi maging sa pamunuan ng Isabela.