PANAYAM kay Sunshine Cruz pala ang sinabi ni Kris Aquino na exclusive interview niya with an actress na mapapanood sa The Buzz bukas. “Heartfelt” ang itinawag ni Kris sa one-on-one interview niya kay Sunshine at para mas abangan, hindi siya nagbigay ng clue ng kanilang pinag-usapan.

Sunshine CruzDahil mainit ang balita ngayon kina Sunshine at former husband niyang si Cesar Montano, alam na kung para saan ang interview. Disturbing lang ang sabing ang tatlong anak mismo ni Sunshine ang may gusto na magsalita na siya at si Kris ang mag-i-interview para marinig ang side niya dahil ang kampo lang daw ni Cesar ang nagsasalita.

Controversial ang topic na ito and in fairness kay Kris, hindi siya nagbigay ng clue sa mga ipinahayag ni Sunshine. Tingnan din natin kung paano dinala ni Kris knowing na may sakit siya during the interview. Nabanggit niya sa isang Instagram post niya na nahawaan siya ni Bimby na ilang araw nang may sakit.

Post ni Kris: “Running a fever, every time Bimby gets sick, it’s almost a given that I catch whatever sore throat, cough, cold, or fever he has. Thank God Kuya Josh is healthy... My sincere apology to the organizers of GoNegosyo, I’ll miss tomorrow’s (today, Saturday) Women’s Forum because I need bed rest. Will REST, RECUPERATE, and pray I’m recovered by Sunday for the Buzz.”

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Masaya namang ibinalita ni Kris na as of two days ago, umabot na sa 1,437,996 page views na ang kanyang website na www.withlovekrisaquino.com. Enjoy naman kasing bumibista sa blog niya sa rami nang natututunan at nalalaman, lalo na ang new recipes at kung minsan, may pasabog sa kanyang love life.

Samantala, wala pang sinasabi si Kris sa balitang baka hindi na naman matuloy ang movie na pagsasamahan nila ni Derek Ramsay. Malulungkot ang fans ng dalawa na matagal nang naghihintay na magsama sa pelikula ang mag-best friend.

May problema raw sa mga producer, pero ang isa sa tatlong producers ay nagpahayag na kahit siya na lang ang magprodyus ng Kris-Derek movie, itutuloy pa rin niya ang pelikula. (Nitz Miralles)