Pag-aaralan nina House Committee on Youth and Sports Development Chairman at Tagum Congressman Anthony del Rosario at vice-chairman na si Pampanga Rep. Joseller “Yeng” Guiao ang mga posibleng pagkunan ng pondo para sa ipantutustos sa itatayong National Sports Training Center.

Ipinaliwanag nina Del Rosario at Guiao na may tatlong opsiyon na posibleng mapagkunan ng pondo para maipatayo ang moderno, state-of-the-art, scientific at world class na training facility at ‘di rin nila isinasantabi ang iba pang paraan para makahanap ng “resources” sa mga pribadong organisasyon.

“We have three options pinpointed, one is thru the sale of the old Rizal Memorial, and then we are looking at the supposed annual share of the Philippine Sports Commission (PSC) with the Philippine Amusement and Gaming Corporation and then last is through General Appropriations Act (GAA),” sinabi nina Guiao at Del Rosario.

Ipinaliwanag ni Guiao na base sa taya ng PSC, aabot sa kabuuang P3.5 bilyon ang magagastos para maitayo ang hinahangad na pasilidad. Ang nasabing halaga ay agad na makakamit kung tuluyang papayagan ng pamahalaan ang pagbebenta sa makasaysayang 80 taon na Rizal Memorial Sports Complex.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hinihintay pa sa kasalukuyan ng PSC ang opinyon ng Department of Justice (DoJ), partikular kay Secretary Laila de Lima, kung maaring ibenta ang mahigit 10-ektaryang lupain na nasa Vito Cruz, Manila.

Ang ikalawang tinukoy ni Guiao ay ang dapat makuha ng PSC sa nagkapatung-patong na kabuuang P10-B mula sa dapat na remittance ng PAGCOR sa ahensiya, base sa nakasaad sa batas na ibabahagi dito ang 5 porsiyento.

‘We want to get what is due for the country’s sport. Hindi lamang ito para sa kapakinabangan ng kasalukuyan nating pambansang atleta kundi maging ang madebelop at madiskubre pa natin ang mga kabataan sa darating na panahon,” paliwanag ni Guiao.

Una nang binisita nina Guiao at Del Rosario, kasama sina POC president Jose Cojuangco Jr., PSC Chairman Richie Garcia at Executive Officer ni Senador Sonny Angara na si Felizardo Colambo ang dalawang lugar na posibleng pagtayuan ng isang sports complex at sa hinahangad na national training center.